Litanya
Huwag mo akong iiwan - Merlinda Bobis
Tulad ng pag-iwan ng anghel sa kanyang pakpak
Nalimutan sa bus na gumarahe sa gabing walang buwan
Huwag mo akong iiwan
Tulad ng pag-iwan ng buwan sa kaniyang mata
Nahulog sa sapang nananaginip ng dilim na walang pintuan
Huwag mo akong iiwan
Tulad ng pag-iwan ng hangin sa kaniyang dila
Nauhaw sa kakahiyaw ng ‘huwag mo akong iiwan’